30TH SEA GAMES TULUY-TULOY NA

(NI NOEL ABUEL)

CAPAS, Tarlac– Tiwala si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na matatapos sa takdang panahon o bago magsimula ang 30th Southeast Asian Games sa susunod na buwan.

Kahapon, personal na inispeksyon ni Go, kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano ang P13 bilyong halaga na New Clark City sports complex sa Capas, Tarlac upang malaman ang estado ng isinasagawang pagtatayo ng world class sports complex.

Nabatid na ang nasabing lugar na pinatatakbo ng Bases Conversion and Development Authority at may lawak na 9,450 ektarya at may kakayahang tumanggap ng 1.2 milyon katao.

Sinimulan ang konstruksyon ng nasabing sports hub, noong Marso 2018 ay mayroong 20,000-seat athletics stadium, 2,000-seat aquatic center na Olympic-size pool, at 7 gusali na magiging athlete’s village at magagamit na pansamantalang tirahan ng mga SEA Games athletes, officials at volunteers.

Kapwa naman natuwa sina Go at Cayetano sa nakitang mabilis na pagsasaayos ng naturang sports village na halos makumpleto na tulad ng Olympic-size pool, track and field stadium.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Go na hindi masasayang ang nasabing lugar sa sandaling matapos ang SEA Games dahil sa gagawin umano itong one-stop -shop ng mga ahensya ng pamahalaan.

Paliwanag ng senador, noong nakalipas na 2019 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay inihayag nito na suportado nito ang planong pagtatayo ng  sports academy sa bansa.

Magagamit din aniya ito ng mga estudyanteng nais pumasok sa sports kung saan ang mapipiling student-athletes ay makakatanggap ng full o partial scholarships at isang specialized curriculum ang bubuuin ng DepEd para mapag-aralan ng mga estudyante ang Mathematics at Science.

“It is a reality for some of our gifted young athletes to experience difficulty in accessing quality education. Through scholarship grants, we will be able to provide an avenue for them to gain quality education, while developing their skills and talents in sports through world-class training,” sabi ni Go.

 

 

 

123

Related posts

Leave a Comment