MOTORISTA PINAYUHANG UMIWAS SA MGA REBLOCKING NG DPWH

DPWH-REBLOCKING

UMIWAS ang mga motorista.

Ito ang naging pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga daan kung saan magkakaroon ng reblocking partikulat na sa Efepanio De Los Avenue (EDSA) at iba pang mga major na daan magmula ngayon araw hanggang Oct. 28 para makaiwas sa matinding trapik .

Ayon sa pamunuan ng National Capital Region (NCR) sabay-sabay na ipatutupad ng kanyang mga tauhan ang rehabilitaion ng EDSA  na magmumula sa may gate ng Camp Crame pagkalampas ng Annapolis St. sa Quezon City katabi ng MRT station south bound direction, kasama na rito sa may parte ng EDSA ang Estrella, National Shrine , North bound direction ang pangatlong lane ng Aurora Boulevard papuntang New York st. mula sa side walk.

North bound direction ng Katipunan Avenue  C-5 circumfenrenacial road pagkalampas ng C.P. Garcia St. sa harap ng UP town Center, kung saan dumadaan ang mga truck.

Kasama din sa project rehabilitation ang eastbound direction ng General Luis Street na magmumula sa may Rebisco Road papuntang SB Diversion Road; Elliptical Road sa may Maharlika Street, ang ika anim na lane mula sa side walk.

Maging ang outer sidewalk ng westbound direction ng Quirino Highway mula sa  Prime Rose papuntang King Fisher Street, at ang southbound direction ng Mindanao Avenue harap ng Caltex Gas Station pagkalampas ng Tandang Sora Avenue.

At ang  2ndlane ng G. Araneta mula sa Landragum Street pa Samar Street; maging ang  northbound direction ng  A. Bonifacio malapit sa Selecta Drive, 2nd lane mula sa  sidewalk.

255

Related posts

Leave a Comment