ALERT STATUS SA MT. KANLAON IBINABA NA

(NI KIKO CUETO)

NAGDESISYON ang state seismologists na ibaba sa unang lebel ang alert status ng Mt. Kanlaon sa isla ng Negros.

Ayon sa Phivolcs, ito’y nang mas bumaba na ang naitatala nilang volcanic earthquakes mula Hunyo.

Ito ay base sa seismic monitoring network ng Kanlaon, ayon sa Negros Occidental Provincial Disaster Management Program Division.

Sa kanilang monitoring, nasa 2 na lang ang naitatalang volcanic activity sa bulkan at ito ay nasa baseline level na.

Wala ring inaasahang magmatic eruption sa agarang hinaharap.

Pinaalalahan pa rin ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng pagkahulog ng mga bato, avalanche, o biglaang pag-usok ng bulkan sa summit area.

 

290

Related posts

Leave a Comment