NIYANIG ng magnitude 6.6 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao, ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang epicenter ay naitala sa Tulunan town sa Cotabato province, kung saan nilindol din nitong buwan na pumatay sa tatlo katao.
Naitala ang lakas ng lindol sa: Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani
Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City
Intensity V – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani
Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon
Intensity III – Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City; Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon
Intensity I – Camiguin, Mambajao
The U.S. Geological Survey also measured the quake at Magnitude 6.6.
“Mas malakas ito kumpara sa nakaraang lindol,” sabi ni Tulunan Mayor Reuel Limbungan, na ang tinutukoy ay ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa noong Oktubre 16 na sumira sa mga barangay hall, health center, at senior citizen’s hall.
Sinuspinde na ang klase at trabaho sa lahat ng pampubliko at pribadong kompanya sa Tulunan.
387