DROGA HINDI MASUSUGPO NI PDU30

IMBESTIGAHAN NATIN

Tara sa x-ray hadlang sa programa

Hangga’t patuloy umano ang agresibong koleksyon ng tara sa Bureau of Customs, partikular na sa x-ray ay hindi magtatagumpay ang kampanya ng liderato ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

Protektado umano ng mga opisyal ng BOC, lalo na ng mataas na opisyal sa Intelligence Group, ni Dep. Comm. RR at X-ray Inspection Project ang kolektor na sina Agent Dekuku at Joey R. na ilang beses na ring isinusumbong ng mga lehitimong consignee at broker.

“Hindi man lang naapektuhan ng pagpapatawag sa Malacañang ni Pangulong Duterte sa mga BOC official ang koleksyon ng tara sa amin,” hinaing ng isang beteranong broker na nakiusap ‘wag magpakilala sa takot na ipitin ang kanyang mga kargamento.

Sa impormasyong ipinarating ng mga stakeholder, mas mahigpit umano ang koleksyon ngayon dahil pumasok na sa eksena ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

“Umaasa kaming lahat na sana mas maging mapanuri ang PACC ngayong pasok na sila sa mga aaksyon sa malawakang koleksyon ng tara, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI),” pahayag ng isang consignee na direkta umanong tinawagan ni Joey R. kasabay ng pagpapakilalang kolektor umano s’ya ng tara ni IG at XIP.

Sa hinaing, sinabi rin ng mga lehitimong player na ipinagmamalaki nina Agent Dekuku at Joey R. na hindi matitinag ng mga patawag sa Palasyo ang kanilang koneksyon sapagkat ‘malalim’ umano ang tanim nilang relasyon sa mga matataas na opisyal ng ahensya.

“Kung iisipin mo, malakas nga itong si Joey R. dahil ang kuwento sa amin ng isang insider, sa Batangas ito nakatalaga subalit nasa central office ng BOC at namamayagpag sa pagkolekta sa amin ng tara,” bahagi ng text message na ipinarating sa Sumbungan ng SAKSI Ngayon.

Depende sa transaksyon ng mga consignee at broker, pumapalo sa P5,000 hanggang P10,000 kada container ang tara na patuloy na agresibong hinihingi umano nina Agent Dekuku at Joey R.

309

Related posts

Leave a Comment