(NI ARDEE DELLOMAS) UMABOT sa mahigit 140 aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Davao Oriental kahapon ng tanghali.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) director Renato Solidum,143 aftershocks na ang kabuuang bilang na kanilang naitatala hanggang kaninang als-6:00 ng umaga.
Sa naturang bilang karamihan umano ay hindi naramdaman.
Kabilang sa naitalang aftershocks ay magnitude 5.6 lindol na yumanig sa coastal area ng Davao Oriental dakong 5:13 pm kahapon.
Ayon kay Solidum, ang nangyaring malakas na lindol ay bunsod ng downward movement sa tail-end ng Philippine Trench sa Philippine Sea. Ang paggalaw na ito ay nagdulot nang paggalaw pataas ng converging boundaries sa naturang area. Kaya agad naglabas sila ng tsunami advisories at hindi warning o panawagan na mag-evacuate ang mga residenteng malapit sa lugar, dahil hindi umano inaasahan na tataas sa isang metro ang inaasahang tsunami.
239