(NI BOY ABUNDA)
KAMAKAILAN ay naging kontrobesyal ang pagwo-walkout umano ni Morisette Amon sa birthday concert ni Kiel Alo. May kinalaman ang nasabing insidente sa naging panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si Mario Dumaual sa singer. Pagkatapos ng maikling panayam tungkol sa pamilya ng dalaga ay naiba na raw ang mood ni Morisette kaya nagpasya na lamang na umuwi at hindi na nagtanghal sa concert.
Isa si Regine Velasquez-Alcasid sa mga kaibigan na nagbigay ng payo kay Morisette kaugnay sa isyu. “Hindi ko alam kung anong nangyari. So it’s very hard for me to comment. Kasi I have no idea. I hope that she’s okay. Sometimes gano’n talaga, may pagdadaanan ka. I hope that God will give her strength para mapagdaanan niya nang tama ito. Kasi ang hirap kasi ang bata pa niya,” paglalahad ni Regine.
Samantala, masayang-masaya naman ang Asia’s Songbird dahil sa engagement ng magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Matatandaang nagsimula si Sarah sa show business nang nanalo sa ‘Star For A Night’ noong 2002 kung saan ay si Regine ang host ng programa.
“I’m happy because whenever you hear a friend getting engaged, it’s always a celebration. You cannot help but feel excited for them. Kasi pinagdaanan ko na ‘yon, na-engage din ako. Ang sarap talaga ng feeling eh. Tapos lalagay na sila sa tahimik. It’s wonderful. I’m happy for her. I only wish the best for their relationship. They’ve been together for five, six years, so I’m happy. Ang dami nang pinagdaanan ng relasyon na ‘yan. So feeling ko parang wala nang makakapigil talaga. Parang hindi nila papayagan na may mangyari pa sa relasyon nila after what they’ve gone through,” paglalahad ng singer-actress.
Kung sakaling kuhanin bilang ninang ay buong-pusong tatanggapin daw ito ni Regine. “Naman! Bilang pambansang ninang ako,” natatawang pagtatapos ng Asia’s Songbird. -Reports from JCC-
214