SCHOLARSHIP, TAX INCENTIVES SA SOLONG ANAK

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL sila ang obligadong breadwinner ng kanyang pamilya, bibigyan ng  gobyerno ng prebilehiyo at benepisyo tulad ng scholarship at tax cut ang mga solong anak.

Ito ang nakapaloob sa House Bill (HB) 5045 o Solo Child’s Welfare Act na iniakda ni Pangasinan Rep. Ramon Guico III dahil gustuhin man umano ng mga solong anak o hindi ay sa kanyang balikat nakaasa ang kaniyang mga magulang dahil nag-iisang anak ito.

“Many solo children become the breadwinner of their families. This means talking on the responsibility of solely providing not only his needs but as well as that of his parents,” ani Guico sa kanyang panukala.

May epekto umano ito sa psychological at emotional ng mga solong anak kaya dapat aniyang tulungan ito sa pamamagitan ng benepisyo at pribilehiyo dahil hindi biro ang kanilang ginagampanan at gagampanang responsibilidad.

Kapag naging batas ang nasabing panukala, magiging scholar ang  mga solong anak o malilibre sa kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos at makagpatrabaho.

Kapag may trabaho na ang mga ito ay malilibre sa buwis ang unang P50,000 na kita nito kada taon at magkakaroon pa ang mga ito ng 7 araw na bakasyon kada taon upang maasikaso ang kanyang mga magulang.

Iba ang bakasyon na ito sa regular na bakasyon na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno at maging sa pribadong sektor.

Maliban dito, magkakaroon din umano ang mga ito ng medical assistance mula sa mga hospital na nasa ilalim ng Department of Health (DOH) at Local Government Unit (LGUs).

 

322

Related posts

Leave a Comment