(NI FROILAN MORALLOS)
IPATATAPON ng Bureau of Immigration (BI) palabas ng bansa ang tinatayang aabot sa 312 Chinese national , at 21 minor de edad , dahil sa illegal na paninirahan sa bansa ayon sa pamunuan ng ahensiyang ito.
Ayon sa pahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, ang naturang bilang ng mga illegal alien na ipade-deport ay kabilang sa 512 na naaresto ng immigration intelligence agent sa raid noong Oct. 9, 2019 sa Millennium building sa Pasay City.
Kabilang sa mga nahuli ay kinabibilangan ng Chinese, Burmese, Malaysians, Vietnamese, Taiwanese, at Indonesians.
Sinabi ni Dana Sandoval, ang 312 Chinese national ay hahati-hatiin sa tatlong flight ng China Eastern Airlines na magsisimula bukas ng alas 3:00 ng madaling araw at susundan ng alas 8:00 ng umaga at ang huling batch ay makaaalis sa alas 9:00 ng Biyernes ng gabi.
Ayon pa kay Sandoval, ang naiwan ay pansamantalang nakakulong sa BI facilities sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City.
Dagdag pa nito na ang 312 deportee at 21 minors ay direktang dadalhin sa Shijiaxuang, Hebei Province at Changchun, Jilin Province, kasama ang kanilang escort na BI Intelligence personnel at Chinese police officers.
175