(Ni DAHLIA S. ANIN)
Bahagyang lumakas pa si Bagyong Ramon habang tinatahak nito ang direksyon patungong Norte pero mas bumagal ang paggalaw nito ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 445 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at bugso na 90 kph at kumikilos ito ng 15 kph.
Nakataas pa din sa ngayon ang signal no. 1 sa Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, Hilagang bahagi ng Aurora.
Pinapayuhan naman ang publiko mula sa Bicol Region, Romblon, Panay at Puyo Island na maging alerto sa pagbaha at pagguho ng lupa dahil kahit na may kalayuan pa si Bagyong Ramon ay may dala na itong pag-ulan.
Inaasahang maglalandfall sa darating na Linggo o sa Lunes sa Cagayan-Isabela area ang naturang bagyo.
131