30th SEA GAMES OPENING CEREMONY; LIBONG PULIS IKAKALAT

seagames6

(NI ELOISA SILVERIO)

KABUUANG ng 1,083 police personnel ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang ipakakalat para tumulong sa pagbabantay at matiyak ang seguridad sa opening ceremony ng 30th South East Asian Games sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30.

Pormal na ginanap kahapon ang send-off ceremony para sa mga naturang kapulisan sa Camp Alejo Santos sa Malolos, nasabing probinsiya.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan PPO, itatalaga ang mga pulis sa Philippine Arena at iba pang lugar na kakailanganin ang serbisyo nila.

Partikular na magiging trabaho ng naturang mahigit isang libong pulis-Bulacan ang tiyaking ligtas ang lahat ng mga partisipante at mga manonood sa SEA Games opening ceremony.

Makatutuwang din ng Bulacan police sa paglalatag ng seguridad sa SEAG opening ceremony ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Special Action Force (SAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Security Officers mula sa Philippine Arena, NLEX Personnel, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Local Government Units (LGUs).

 

270

Related posts

Leave a Comment