ROAD SAFETY EDUCATION, IPAPASOK SA K-12 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Bong Revilla na isama sa curriculum ng K-12 program ang road safety and comprehensive drivers’ education.

Sa kanyang Senate Bill 451, sinabi ni Revilla na layon nito na maimulat ang mga estudyante sa basic road safety.

“The World Health organization considers road safety as a public health issue since one of the leading causes of death is road accidents,” saad ni Revilla.

Iginiit pa ng senador na nakaalarma na ang impormasyon na marami sa mga adult ang kaunti lamang ang nalalaman sa basic road safety at traffic rules and regulations.

“Studies show that many road accidents and mishaps resulted from ignorance or false understanding of traffic rules and regulations,” diin ni Revilla.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na mula 2012 hanggang 2017, ang mga aksidente sa kalsada ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga teenagers na may edad 15 hanggang 19 at ikalawang leading cause of death mula 2007 hanggang 2011 sa kaparehong grupo.

Sa ulat, tumaas ng 107.54 percent ang bilang ng namatay sa road accidents sa kabataan na mula 504 deaths noong 2006 at umakyat sa 1,046 deaths noong 2017.

Sa ilalim ng panukala, makikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd), sa Department of Transportation (DOTr), University of the Philippines-National Center for Transportation Studies at road safety advocates at organizations para makabuo ng basic road safety curriculum na ipapasok sa curriculum ng lahat ng educational institutions pribado man o pampubliko mula elementary hanggang senior high school.

Kasama sa curriculum ang karapatan at responsibilidad ng pedestrians at commuters sa lahat ng uri ng road transportation, road awareness, road signage and responsible commuting, driving rules and regulations, driving courtesy, driving safety, road hazards at vehicle of safety features.

 

653

Related posts

Leave a Comment