Taong 2017 nang ipag-bawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng isang executive order at sumunod lahat ng esta-blisimiyento sa buong bansa at naglagay ng mga no-smoking and smoking area.
Mayor pa lamang ng Davao City si Pangulong Duterte nang matagumpay niyang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod at ang mga nahuhuli ay ginagawaran ng karampatang parusa ayon sa nilalaman ng City Ordinance.
Ngayon naman ay vaping in public ang ipinagbawal ng pangulo na dapat sana ay napabilang na rin sa inilabas na executive order noong 2017 dahil nagbubuga pa rin ng makapal na usok ang vaping devices at electronic cigarettes gaya ng mga ordinaryong si-garilyo at tabako.
Matagal nang may panawagan na i-regulate ang importasyon ng va-ping devices kasama na ang flavored juices na siyang nilalanghap ng vape users at ibinubuga bilang makapal na usok mula sa kanilang de-bateryang gadget.
Kinukwestiyon mismo ng mga taga-Department of Finance ang kawalan ng buwis na ibinabayad sa vape juices kung saan kumikita ang mga operator ng vape shops na naglitawan na parang kabute pagkatapos ng smoking ban na iniutos ni Duterte noong 2017.
Base sa pagtaya ng Department of Health, halos 1 milyong Filipino lang ang gumagamit ng vape at e-cigarettes na lumakas ang benta nitong nakaraang tatlong taon dahil na rin sa smoking ban na patungkol lang sa mga ordinaryong sigarilyo.
Ayon sa pag-aaral ng DOH, hindi mainam na pamalit sa nikotina ng sigaril-yo ang e-cigarettes dahil ang regular na paggamit nito ay nagdudulot din ng pinsala sa baga gaya ng mga naiulat na insidente sa ibang bansa.
Dito sa Pilipinas, isang 16 anyos na babae ang na-ospital sa Central Visayas noong Oktubre 21 matapos magreklamo ng “sudden-onset severe shortness of breath” dahil sa paggamit ng e-cigarette sa nakaraang anim na buwan.
Ito ang unang kumpirmadong kaso ng EVALI o electronic cigarette or vaping-associated lung injury na naitala sa Central Visayas sa kabila ng pahayag ng mga taga-suporta ng vaping na ligtas gamitin ang mga ito.
Siguradong nakatanggap ng komprehensibong ulat si Pangulong Duterte hinggil sa panganib na dulot ng vape at e-cigarettes kung kaya ipinasya niyang ipagbawal na ang paggamit nito sa publiko at ang pag-aresto sa mga makikitang nagbubuga ng makapal na usok ng vaping devices habang naglalakad sa mga bangketa.
At dahil ipinagbawal na rin ni Duterte ang importasyon ng vaping gadgets, mangangahulugang bawal na rin ang pagbebenta ng vape juices at e-cigarettes lalo na ang ibinebenta ngayon sa shopping malls. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)
358