(NI NOEL ABUEL)
MAY magagamit nang pondo para sa implementasyon ng National ID, Universal Health Care at Quality Tertiary Education sa 2020.
Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan kabilang sa umano’y maaaring pagkuhanan ng pondo ng tatlong maituturing na ‘landmark’ na programa ng kasalukuyang administrasyon ang pork barrel at mga duplicative projects na isiningit ng ilang kongresista sa P4.1 trillion national budget.
“The National ID system needs at least P5.565 billion in 2020 to cover the registration of some 14 million Filipinos and resident aliens. But the proposed 2020 budget presently allocates only P2.4 billion under the unprogrammed fund for it. This amount covers only 6.3 million Filipinos,” pagsisiwalat ng senador.
Sinabi pa ni Lacson na isa rin sa nakikita nitong maaaring pagkuhanan ng pondo ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
“There are many items in the 2020 budget that can be realigned for the National ID. One of them is the National Greening Program of the Department of Environment and Natural Resources,” banggit pa ni Lacson.
Mahigit 100 milyong Pinoy ang makikinabang sa national ID na tinatayang ganap na maipapatupad sa loob ng apat na taon kung aayudahan ng sapat na pondo, ani Lacson.
158