(NI ABBY MENDOZA)
NAKATAKDANG magpatawag ng Congressional Inquiry si Iloilo Rep Julienne Baronda dahil sa mga reklamo laban sa Iloilo Power Distribution Utility na Panay Electric Company(PECO) sa magkakasunod na insidente ng pagkasunog ng poste ng kuryente na maaaring maglagay sa panganib sa may 65,000 consumer nito.
Ayon kay Baronda, kailangan ang House inquiry dahil may kailangang ipaliwanag ang Department of Energy (DoE) at PECO sa mga mambabatas at sa kanilang mga consumers, hindi umano simpleng bagay ang 9 na magkakasunod na sunog sa poste ng PECO na naitala mula October 19 hanggang 21, 2019.
Lalong ikinabahala ng mambabatas ang report ng Bureau of Fire Protection(BFP) sa Energy Regulatory Commission(ERC) na sa 2,887 naitalang fire incidents sa Iloilo City mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019 ay kalahati dito ay poll fires ng PECO o nasa 1, 447 kaso.
Sa ngayon ay hinihintay ni Baronda ang tugon ng DOE sa naging liham niya kung saan humihingi ito ng paliwanag kung paano nagkakaroon ng mga pagkasunog ng poste ang PECO at kung gaano pa kaligtas ang operasyon ng distribution utility.
521