(NI BERNARD TAGUINOD)
SINABI ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa isang press conference na pananagutin ang mga responsable sa mga aberya sa SEA games pagkatapos ng palaro.
“We’re not downplaying the faults. Kung sino mang accountable dyan, they will be held accountable, as simple as that,” pahayag ni Nograles at ito rin aniya ang posisyon ng Palasyo ng Malacanang.
Hindi naman ikinagulat ni Nograles na nabuko ang mga aberya sa SEA Games dahil sa social media.
Ayon naman kay House committee on youth and sport chairman Eric Martinez ng Valenzuela City, kung may social media noong 1991 at 2005 ay posibleng nabuko din ang mga aberya sa paghohost ng Pilipinas tulad ng nangyayari sa kasalukuyan.
“Who knows, (na nagkaroon ng aberya noong 1991 at 2005). Baka may nadapa na mamlalaro pero hindi natin nalaman,” ani Martinez dahil walang social media noong mga panahong iyon.
Sinabi naman ni Nograles na hindi lang umano ang aberya sa SEA Games ang nalaman ng publiko kundi ang mga magagandang pasilidad na itinayo tulad sa Clark City
#ManoodMunaTayoNgGames
Ito ang panawagan ni sa gitna ng pagtalo-talo hinggil sa mga aberya sa paghohost ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.
Sa press conference, sinabi ni Martinez, hindi dapat palagpasin ng mga Filipino ang pagkakataon na mapanood ang mga laro sa SEA Games dahil bihira lang itong mangyari sa bansa.
Unang nagkaroon ng SEA Games sa Pilipinas noong 1991 at sinundan noong 2005 at matapos ang 14 taon ay saka muling maghohost ang Pilipinas ng pinapakaling sport sa Southeast Asia.
#ParaSaAtletangPilipino, huwag natin itong palagpasin,” ani Martinez at isantabi muna aniya ang bangayan dahil mayroon umanong nararapat na panahon ukol dito.
199