(NI KIKO CUETO)
UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa.
Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa.
Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran.
Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas.
Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon.
Dito sa Metro Manila, makararanas din ng matinding buhos ng ulan lalo na sa mga lugar kung saan idinaraos ang Sea Games.
Maging sa Central Luzon, Cagayan at Isabela.
Nakataas ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Southern portion ng Camarines Norte (Daet, San Vincente, San Lorenzon Ruiz, Basud, Mercedes), at sa Burias Islands.
Kabilang naman ang Metro Manila sa Signal No. 2 maging sa Bulacan, Bataan, Pampanga, Eastern portion ng Nueva Ecija (Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Antonio, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Tinio, Palayan, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, Peñaranda).
Gayundin sa Southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Nasa Signal Number 1 naman ang
Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, natitirant bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales.
Kasama rin ang Calamian Islands, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern part ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City), Northern Cebu (Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands).
Maging ang Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, and Danao City), Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.
Aabot naman sa 500 barangays sa 14 siyudad sa Metro Manila ang posibleng bahain dahil sa bagyo.
Pinayuhan ang mga residente na lumikas na.
Tiniyak naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nilinis nila ang mga sewerage.
“Pagdating sa mga sewerage natin, ang sabi ko nga summer pa lang pinaghahandaan na ‘yan, araw-araw naman ‘yan. Hindi tayo nagpapahinga diyan. May darating mang bagyo o wala laging nalilinis ‘yan ng ating team sa flood control,” sinabi nito.
Sinabi naman ng Philippine Coast Guard-NCR na nagpakalat sila ng mga tauhan sa Baseco hanggang sa Malabon.
Samantala, aabot na sa 5,327 pasahero ang na-stranded sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.
208