(NI FROILAN MORALLOS)
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 1.026 kilo ng shabu at marijuana na tinatayang aabot sa P6.5 milyon.
Ayon sa report, ang marijuana ay nakalagay sa aquarium filter at dumating galing sa Czech Republic.
Idineklara ng may-ari na “external aquarium filter” ngunit sa tulong ng K9 dogs ng BOC, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Customs examiners na ipadaan sa 100 percent eksaminasyon .
Sa resulta ng ginagawang eksaminasyon at sa tulong ng BOC K-9, nakita sa loob ang dalawang plastic pack ng crystalline substance o shabu.
Agad na inisyuhan ng BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag ng Section 118 (g), 119 (d), 1113 par. (f), (i) & (l) and 1400 of R.A. No. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) and Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
176