MWSS UMAMIN NA ‘DI KAYANG PATAKBUHIN ANG WATER SERVICE

mwss55

(NI BERNARD TAGUINOD)

INAMIN ng Metropolitan Waterways Sewerage System (MWSS) na  hindi nila kayang patakbuhin ang water service kapag tuluyan inatsapuwera ng gobyerno ang Manila Water at Maynilad sa industriya ng tubig.

Kasabay nito, nitong Miyerkules lamang pormal na nalaman  ng Manila Water at Maynilad na kinansela na ng MWSS ang extension ng kanilang concession agreement.

“The new board, based on the directive of the President and the Cabinet meeting, this was discussed, they are now revoking (ang concession agreement),” ani MWSS Deputy Administrator for Engineering Leonor Cleofas sa pagharap nito sa nasabing committee hearing.

Nangangalugah na hanggang 2022 na lamang ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad sa MWSS tulad ng orihinal na kasunduan simula noong 1997 na isapribado ng gobyerno ang water service.

“It is not proper to unilaterally revoke the agreement, ” ani Maynilad president at ceo Ramoncito Fernandez na umamin kasama si Tiny Aquino ng Manila Water na hindi nila ito nalaman agad bagama’t noong Disyembre 5 pa binawi ng MWSS ang kanilang concession agreement.

Inamin din ni Cleofas na hindi kaya ng MWSS patakbuhin ang water service kapag tuluyang nawala ang dalawang nabanggit na water concessionaires sa industriya.

“Sa ngayon po, napakaliit ng aming empleyado. Mahigit 100 lang po. Sa ngayon, kung existing resources, di kaya,” pag-amin ni Cleofas sa mga kongresista partikular na kay Defensor.

Subalit ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi ito naniniwala na hindi kakayanin ng MWSS ang pagpapatakbo sa water service kung ang problema lang naman ng mga ito ay mga kakulangan ng mga tauhan.

Ayon kay Zarate, maaaring kumuha ng mga bagong empleyado ang MWSS  na eksperto sa nasabing serbisyo dahil hindi maaaring matigil ang nasabing serbisyo kahit mawala na ang Maynilad at Manila Water.

 

186

Related posts

Leave a Comment