JUDAY: LAHAT NG NANAY MAY KANYA-KANYANG SAKRIPISYO

(NI BOY ABUNDA)

INIAALAY ni Judy Ann Santos sa inang si Carol Santos ang napanalunang Best Actress award para sa pelikulang Mindanao mula sa 41st Cairo International Film Festival kamakailan. Isa sa mga kalahok ang naturang proyekto para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019. “My mom is very, very happy. Para sa kanya naman ‘tong award na ‘to eh. Lahat naman ng nanay, may kanya-kanyang klase ng sakripisyo na binibigay para magbigay ng magandang buhay sa mga anak nila,” bungad ni Judy Ann.

Para sa aktres ay patuloy lamang niyang sinusuklian ang ginawang sakripisyo ni mommy Carol sa kanilang tatlong magkakapatid. “Wala akong ibang taong naisip noon kundi ang mommy ko. Kaya sabi ko sa kanya, kailangan nando’n ka sa special block screening, kailangang mapanood mo,” kwento niya.

Malaki ang pasasalamat ni Juday kay Brillante Mendoza na siyang naging direktor ng pelikula. Maraming pumuri sa aktres mula sa mga nakapanood sa special screening ng Mindanao. “Walang maling acting sa kanya. Kung totoo ang nararamdaman mo at basta totoo ang maramdaman mong emosyon. Walang mali para kay direk Dante,” pagbabahagi ng aktres.

Mahigit tatlong dekada na sa show business si Judy Ann at hindi raw kailan man inakala na makasusungkit siya ng isang international acting award. “Pangarap ko lang naman ay makasali ang pelikula sa international film festivals, ma-experience ko sila. Kaya ‘yung Busan Film Festival, para akong bata, para akong nasa playground kung makatingin ako. Pero ‘yung maging best actress sa international film festival, hindi ko siya ma-digest, na parang, ‘Totoo ba talaga ito?’ Kasi alam ko sa teleserye lang ako nagsimula,” nakangiting pahayag ni Juday. With reports from J.C.C.    

 

135

Related posts

Leave a Comment