BILANG bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) na makamit ang ISO 9001: 2015 certification, ang BOC top management ay isinailalim sa ISO 31000 Risk Management Course na isinagawa sa SGS Academy, Makati City noong Disyembre 10.
Kabilang sa mga dumalo si BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kasama sina Deputy Commissioner Donato San Juan (IAG), Deputy Commissioner Raniel Ramiro (IG), Deputy Commissioner Teddy S. Raval (EG) at Assistant Commissioner Vincent Philip C. Maronilla (PCAG).
Sumama rin sa nasabing grupo ang BOC collectors mula sa iba’t ibang collection district ng bureau.
Ang ISO 31000 Risk Management-Principles and Guidelines, ay hinggil sa ‘risk management standard’ para makatulong sa malaki at maliit na pribado at pampublikong samahan na maging epektibo sa pagharap sa panganib sa kanilang operasyon.
Epektibo ang ‘risk management strategies’ na maaaring i-apply sa pagtugon sa maaaring positibo at negatibong dulot sa negosyo.
Layunin ng training na magkaroon ang top management ng BOC ng mas malawak na kaalaman sa pagsasaayos ng mga problema sa pamamagitan ng ‘incident management’ upang ma-minimize ang pagkalugi at mapagbuti ang ‘organization learning and resilience’.
Kasabay nito, ang mga dumalo sa pagsasanay ay binigyan din ng mas maraming kaalaman na may kinalaman sa risk identification, analysis and evaluation.
Bukod dito, sa nasabing top management trainings course, ang iba’t ibang BOC personnel ay sumailalim sa nasabing pagsasanay para madagdagan pa ang kaalaman sa pagpapaganda ng kanilang polisiya at mga patakaran.
Ang BOC ay nananatiling positibo at umaasang ang mga pagsasanay ay magreresulta sa maayos na proseso at polisiya na maghahatid ng positibong kalakalan at magandang koleksyon sa buwis. (Boy Anacta)
131