PANAHON na para mag-isip ang mga mambabatas sa bayan ni Juan dela Cruz kung paano mareresolba ang kalakaran sa mga korte kung bakit ang tagal ng mga kaso bago nadedesisyunan.
Maraming mga kaso ang nilulumot sa tagal sa mga korte at marami rin sa kanila ay kinamatayan na lang ng mga akusado.
Isa na po rito ang kaso ng Ampatuan Massacre na inabot ng 10 taon na kinamatayan ng pangunahing akusadong si Andal Ampatuan Sr. habang siya ay nasa Kidney Hospital siya sa Quezon City.
Maraming miyembro ng Ampatuan family ang akusado sa pinakakarumal-dumal na pagpatay sa history ng mundo sa mga miyembro ng media na naganap noong 2009 sa Mindanao.
Limampu’t walong katao ang namatay sa massacre na ito kung saan ang mga miyembro ng media ay umabot sa 32 habang ang 26 ay mula sa mga kamag-anak, abogado at supporters ng pamilyang Mangudadatu.
Ang pangyayaring ito ay gumimbal sa buong mundo na naideklara pang ang Pilipinas ang isa sa bansang pinakadelikadong lugar para sa mga taga-media. Mas masahol pa raw ito sa bansang Iraq.
Sa makabagong panahon, ito na ang naitalang pinakamaraming pagpatay na ang mga suspek ay pamilyang nasa gobyerno.
Nasa kasaysayan din ng buong mundo na maraming pagpatay ang ginawa ni Adolf Hitler na umabot ng anim na milyong Hudeo ang biktima. Kilala rin sa maraming pinapatay na kanyang mga kababayan ay si Iraq President Saddam Hussein.
Kaya dapat sa kanila ay kamatayan din ang hatol.
Sabi nga ng mga taga-subaybay ng Puna, dapat gumawa ng batas ang mga kongresista at senador na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan laban sa mapang-abuso sa kapangyarihan.
Kung hindi kikilos ang mga mambabatas sa bayan ni Juan dela Cruz ay mananatiling pag-aantay at magtitiis na lamang kung anong mayroong batas ngayon ang ‘Pinas. ‘Ika nga nila, JUSTIIS na lang ang mga Pinoy.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)
322