GRABE ito!
Sa December 21, 2019 issue ng Billboard magazine (tomorrow na ‘yun!), ang bagong #1 song sa Hot 100 chart ay ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You” na unang ni-release noong October 1994 o 25 years ago!
Hindi ito eligible na mag-chart sa Hot 100 noon dahil hindi naman siya ni-release as a single.
FIRST AND SUCCEEDING HOT 100 PEAKS
Noong 1998, nagbago na ang rules ng Billboard Hot 100, kaya nag-chart na ang kanta, at nag-peak ito sa #83 noong January 2000.
Mula 2005 hanggang 2008 ay nagta-top sa Recurrent Chart ang kanta, pero hindi ito allowed pumasok ulit sa Hot 100 chart dahil sa according sa lumang ruling, recurrent single ito at sa Recurrent Chart lang pwedeng mag-chart.
Noong 2012, binago ulit ang rules at pwede nang mag-chart ulit sa Hot 100 ang Top 50 songs sa Recurrent Chart. Kaya noong January 2013, nag-peak ito sa #21.
Noong December 2017, nag-chart ulit ang kanta and this time, pumasok na ito sa Top 10 at nag-peak sa #9. Ito ang 28th Top 10 hit ni Mariah, kasunod ng Top 10 hit niya noong 2009 na “Obsessed.”
At noong January 2019, nag-peak ang kanta sa #3.
Finally, ngayong December 2019, papasok na sa #1 ang kanta! Twenty-five years ang hinintay mula nang i-record ito hanggang sa mag-#1 sa Hot 100 chart.
Pangalawa pa lang itong Christmas song na nag-#1. Ang una ay ang “The Chipmunk Song (Christmas Don’t Be Late)” ni David Seville and the Chipmunks noong 1958 o 61 years ago!
NEW RECORD: SLOWEST CLIMB TO #1
Bago mag-#1 ang “All I Want For Christmas Is You,” ang record holder sa pinakamatagal na mag-#1 mula nang i-release ang isang kanta ay ang “Macarena” ng Los del Rio. Thirty-three weeks ang naging “biyahe” ng “Macarena” papuntang #1 spot sa Hot 100 chart.
NEW RECORD ON THE BILLBOARD HOLIDAY 100
Ang Billboard Holiday 100 chart ay nagsimula noong 2011 lang. Bukod sa “All I Want For Christmas Is You,” wala nang ibang Christmas song ang nag-top sa chart na ito nang mahigit sa two weeks.
NEW AND EXTENDED RECORDS
Ang “All I Want For Christmas Is You” ang 19th number one single ni Mariah Carey. Iyan ang record sa pinakamaraming #1 songs for a solo artist on the Hot 100 chart. Malapit na niyang abutan ang overall record ng Beatles na 20 number one hits.
Na-extend din ni Mariah ang pinakamaraming weeks na hawak niya ang #1 position: 80 weeks na ito ngayon!
Hinihingal na ba kayo? Heto pa ang bagong records na winasak ng kantang ito:
Ito ang first holiday ringtone na certified double-platinum.
Ito ang best-selling digital single by a woman na recorded before the year 2000.
Ito ang overall best-selling holiday digital single.
Sa Amerika pa lang ‘yan! All over the world, the song is breaking records, from the United Kingdom to Australia. From Europe to Asia.
Sa Spotify, hawak din nito ang record for most Spotify streams (single-day record).
SPANS
Unang nag-#1 si Mariah noong August 4, 1990 with “Vision of Love.” Ang latest niya ay itong December 21, 2019 with “All I Want…” That’s a span of 29 years, four months and two weeks – a new record.
Ang huling #1 hit ni Mariah, ang “Touch My Body” noong 2008. Ang gap nito sa kanyang sumunod na #1, ito ngang “All I Want…” ay 11 years and 8 months.
REACTION NI MARIAH
Marami pang ibang records ang winasak ng “All I Want For Christmas Is You,” pero stop na muna tayo sa mga nabanggit. You get the drift.
This is history right here, right now.
Three words lang ang reaction ni Mariah sa Twitter: “We did it.”
Ikaw na talaga, Mariah, ang Queen of Christmas!
169