(NI ABBY MENDOZA)
NASA 131 mambabatas na ang lumagda sa resolusyon na pumapabor na buksan mulo ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagabi Zarate na ang mga mambabatas ay pumapabor sa House Resolution 636 na nagsusulong ng peace talks sa National Democratic Front.
“This Resolution sends a strong message of support from the members of the House in pursuing the peace process as a way of ending the root causes of the more than five-decade armed rebellion,” paliwanag ni Zarate na nagsusulong ng resolusyon.
Giit ni Zarate sa mga nagdaang peace talks ay nagbunga naman ito kaya nararapat lamang na hindi isara ng gobyerno ang pakikipagusap.
Tinukoy ni Zarate na isa sa magandang idinulot ng peace talks ay ang nilagdaang kasunduan na Hague Declaration, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees at Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law.
“As representatives of the people, members of the House of Representatives are duty bound to express the sentiments and interests of our constituents for the immediate resumption of the stalled peace talks and to forge substantive agreements that will resolve the 50-year armed conflict,” nakasaad sa resolusyon.
Una nang pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong November 2017 sa pamamagitan ng inisyung Proclamation 360.
Nakasaad sa Proclamation 360 na hindi na kailangan pa ng peace talks dahil na rin sa kawalang sinseridad ng komunistang grupo na punasok sa isang kasunduan.
154