(NI NOEL ABUEL)
BINATIKOS ni opposition Senator Leila M. de Lima ang ipinatupad na pagbabawal sa pagbisita ng mga kaanak ng mga nakadetineng political prisoners sa Camp Bagong Diwa ngayong Yuletide season.
“I condemn this blatant violation of the rights of these Persons Deprived of Liberty [PDLs]. The timing of this latest harassment couldn’t be any worse, considering the Christmas season,” sabi ng senadora.
Giit nito na isang uri ng panggigipit ang gustong mangyari ng pamahalaan sa mga pamilya ng political prisoners na pawang walang matibay na basehan na may masamang balak ang mga ito laban sa gobyerno.
“Why are the jailers acting like Scrooges? Pati ba naman ang sariling pamilya, ipagkakait pa sa mga bilanggong pulitikal ngayong kapaskuhan? Ano na naman ang palusot na ibibigay nila sa lantarang panggigipit na ito?” tanong ni De Lima.
Inihalimbawa nito ang kaso ng isang nagngangalang Fides Lim, asawa ng political prisoner na si Vic Ladlad, na nakadetine sa MMDJ-4, Bicutan, na pinagbawalang makapasok noong Disyembre. 22.
“I protest why I am not being allowed right now to visit my husband to bring him food and medicines. I have been here for hours now at Gate 1. The guards at the gate led by a Major Pascua said he is just following orders not to allow me in,” sa bahagi ng liham ni Lim sa kanyang Facebook post.
215