Dahil sa natatanging ugali ng mga Pinoy – sa pagiging hospitable – ito rin ang nagdala kung kaya’t ang bilang ng mga turista sa Pilipinas ay sadyang tumaas.
Sa katunayan, ito ngayon ang ipinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT).
Ayon sa naturang ahensya, ngayong taon ay pumalo sa walong milyong turista ang pumasok sa bansa.
“Breaching the eight million mark is another milestone to celebrate, as it marks the unprecedented growth of the country’s tourism industry,” masayang pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Ang napakahalagang okasyong ito ay bahagi ng tradisyon ng kagawaran sa pagdiriwang ng pagdating ng makabuluhang bilang ng mga turista kasunod ng pag-welcome sa limang milyong bisita ng Pilipinas noong 2015.
Ang kumpletong detalye hinggil sa “report of visitor arrivals” para sa 2019 ay ilalabas sa Enero sa susunod na taon. Kaugnay pa nito, inaasahan din ng DOT ang record-breaking number of visitor arrivals na naitala noong 2018 na umabot sa 7.1 milyon.
“Needless to say, we warmly welcome Yachiyo Imamoto, our eight millionth visitor, to the Phi-lippines. The DOT wishes for a fun-filled stay here for Yachiyo and for every tourist of the country thereafter especially this holiday season,” ayon kay Secretary Puyat.
Si Imamoto, na mula sa Yokohama, Japan, ay duma-ting sa bansa ng alas-1:33 ng hapon kasama ang kanyang asawang si Tamio noong Disyembre 27 sa pamamagitan ng All Nippon Airways Flight NH 869 at personal na tinanggap ay binati ng Assistant Secretary for Tourism Development na si Roberto P. Alabado III.
Hindi isang baguhan sa Pilipinas, ang naturang 71-taong gulang na beauty product dealer ay nakadadalaw na sa bansa. Sa katunayan ay nakawalong beses na ito bilang turista natin sa pagbisita sa kanyang foster family.
“We are truly thankful to be chosen for this event. This our eighth visit here and we always visit our close friends in the Philippines,” pagbabahagi ni Yachiyo.
Ang mag-asawa, na kilala ring beach lovers, ay nakapunta sa mga tanyag na destinas-yon tulad ng Cebu at Palawan at nakalibot na rin sa Baler.
“The Filipinos are very hospitable. I also keep coming back for mangoes, masarap,” ayon naman sa asawang si Tamio.
“The launching of the refreshed It’s More Fun in the Philippines branding campaign, re-opening of Boracay, sustainable tourism advocacy efforts, improved air connectivity, hosting of big ticket tourism events, intensified digital and online marketing, mainstreaming of different tourism product portfolios including culinary tourism and farm tourism, healthy private-public partnerships, international accolades and recognitions –all helped the industry in breaching the country’s historic eight millionth mark,” ayon naman kay Secretary Puyat.
255