AU NAGPARAMDAM AGAD

Arellano University-2

UMISKOR ang reigning three-time champion Arellano University ng 27-25, 25-20, 25-20 win laban sa Lyceum of the Philippines University, sa pagsisimula ng Season 95 NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Mula sa 23-22 count pabor sa Lady Pirates, umatake ng hits si Regine Arocha para selyuhan ang first set win ng Lady Chiefs.

Si Arocha ay may 18 kills, nine receptions at right digs upang pangunahan ang Arellano sa una nitong panalo.

Huling taon na ni Arocha, na nangakong lahat ay gagawin para matulungan ang Arellano sa paghahangad ng ikaapat na sunod na korona.

“Nakaka-excite pero nakakalungkot din,” lahad ng two-time Finals MVP awardee.

Solido rin ang naging laro ni Carla Donato na may seven blocks at 12 points para sa Lady Chiefs. Habang nagsumite naman sina Alyna San Gregorio at Mikaela Juanich ng tig-anim na puntos.

Si Alexandra Rafael ang namuno sa LPU na may 12 points, habang si rookie transfree Joy Onofre ay may three blocks at nine markers.

May nine points at 10 digs naman si Joan Doguna.

Sa men’s division, may three blocks at two service aces para tumapos na may 15 points si Jesrael Liberato. Sina Christian Segovia at Jethro Cabillan ay may tig-10 hits, tungo sa 25-22, 25-14, 25-22 ng Arellano Chiefs kontra LPU.

Habang ang Arellano juniors team, sa pangunguna ni Angelo Lagando na may 23 points at 11 digs ay inakay ang koponan sa mahigpitang five-set win laban sa LPU, 25-19, 23-25, 26-24, 20-25, 15-12.  (VT TOMANO)

150

Related posts

Leave a Comment