DISASTER AWARENESS, CLIMATE CHANGE ITURO

Lapid-Rodriguez

ISANG panukalang batas ang inihain ni Sen. Manuel “Lito” Lapid na nagnanais na maituro sa mga paaralan – elementarta at sekondarya, ang  disaster awareness at disaster mitigation upang mamulat ang kabataan sa peligro ng kalamidad.

Sa Senate Bill No. 1140, nais ni ni Lapid na isama sa kurikula ng elementarya at sekondarya ang pagtuturo ng natural at man-made disaster upang magkaroon ng kaalamanan ang kabataan sa disaster preparedness.

Malaki ang paniwala ni Lapid na mahalaga para sa kabataang Filipino na magkaroon sila ng sapat na kahandaan sa kalamidad na maaaring tumama anumang oras sa ating bansa.

Ayon sa mambabatas, base sa datos ng   Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umaabot sa 20 bagyo ang dumadaan sa ating bansa na may dalang malalakas na hangin na sumisira sa ari-arian at buhay ng ating kababayan.

Naitala din ang Pilipinas,  kasama ang ilang bansa ay  palaging dinadalaw ang kalamidad sa buong mundo. Sanhi ng kondisyong geyograpikal ng ating bansa, palaging  nakararanas ito ng lindol, tsunami, pagbaha, tagtuyot at pagsabog ng bulkan tulad ng pagbuga ng abo ng Taal Volcano sa Batangas.

“Mahalaga na bago pa man tumama ang kalamidad sa ating bansa, nakahanda na ang ating mga kababayan. Hindi na sapat ang rumeresponde na lamang tayo dahil may nasirang istruktura o may nasaktan na tayong kababayan. Kailangan maaga pa lang ay maiwasan na natin ang may masaktan at masirang mga ari-arian,” paliwanag ni Lapid.

Inihayag pa ng mambabatas, tugon ang disaster preparedness program sa mga kalamidad na palaging tumatama sa ating bansa kaya dapat itong itaguyod ng pamahalaan kasama ang mga institusyong edukasyunal.

Layunin din ng panukala na isulong ang pagtuturo sa mag-aral na maging aktibo sa  pakikilahok sa disaster mitigation na makatutulong sa ating bansa sa pangmatagalang panahon.

Idinagdad ng senador na panahon pa para gumawa ng hakbang na lubos magbibigay ng proteksyon sa mga kabataan sa pamamagitan ng panukalang siguradong makapagpapababa ng pinsalang hatid ng mga paparating na kalamidad. ESTONG REYES

Climate Change

DAHIL palala na ng palala ang climate change, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara na isama na ito sa curriculum ng mga estudyante.

Ginawa ni  Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang nasabing mungkahi upang maturuan aniya ang mga estudyante kung paano paghandaan ang pagbabago ng panahon at maturuan ang mga ito kung papaano tugunan ang nasabing problema.

“With the eruption of Taal volcano, there is need to integrate this subject into the curriculum to prepare our young people to face calamities like this. This subject will train our students on what to do in case of emergencies and avoid confusion and wrong actions.,” ani Rodriguez.

Hindi lamang ang mga estudyante ang makikinabang sa kanilang matutununan sa eskuwelahan hinggil sa climate change kundi ang kanilang pamilya at komunidad sa kabuuan.

Paliwanag ng mambabatas, hindi lang ang pagtugon sa problema kapag may sumabog na bulkan tuturuan ang mga kabataan kundi kung ano ang dapat nilang gawin kapag lumindol sa kanilang lugar.

Maging kung ano ang dapat gawin ng mga estudyante sa panahon ng bagyo ay dapat ituro na  sa mga kabataang estudyante lalo na hindi bumababa sa 20 bagyo ang dumarating sa bansa taon-taon.

Kailanga aniyang magkaroon ng matibay na educational foundation ang mga kabataan sa problemang ito at maihanda ang mga ito sa mga sakunang dumarating sa bansa.

“It is in the interest of our youth and our people in general that the subject on climate change be part of the curriculum if possible starting next school year,” dagdag pa ng  mambabatas. Bernard Taguinod

158

Related posts

Leave a Comment