LONG-TERM SOLUTIONS KONTRA BAHA TINATRABAHO NA

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko nitong Sabado na aktibong tinatrabaho ng kanyang administrasyon ang mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang problema sa pagbaha sa bansa.

Pinangunahan ng Pangulo ang inspeksyon sa nagpapatuloy na operasyon sa ilalim ng Oplan Kontra Baha sa Sagop Creek sa Barangay Triangulo, Naga City. Ininspeksyon din niya ang Barangay Concepcion Pequeña.

“This is only the beginning. Ito, desiltation lamang ito. Kagaya ng mga ginagawa natin sa ibang lugar, this is not going to be one time,” pahayag ng Pangulo matapos ang inspeksyon.

“We will keep doing this until we have the more long-term solutions at hopefully, if we design everything properly, hindi na natin kailangan paulit-ulit na binabalik-balikan,” dagdag pa niya.

Pinangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Oplan Kontra Baha, na layong bawasan ang epekto ng pagbaha sa pamamagitan ng agarang on-the-ground interventions.

Kabilang sa mga hakbang ang declogging ng mga kanal, pag-alis ng illegal obstructions sa mga daluyan ng tubig, river dredging, rehabilitasyon ng pumping stations, maintenance ng flood-control structures, at mobilisasyon ng kagamitan at tauhan sa flood-prone areas.

Kinilala rin ng Pangulo na malaki pa ang kailangang gawin ng pamahalaan, lalo na sa harap ng epekto ng climate change na nagdudulot ng mas hindi inaasahang pagbaha.

“This is what we are trying to remedy. Malaking trabaho ito. It will take time, but marami na tayong interventions na pwedeng gawin, such as the pools that we are going to put up,” ani ng Pangulo.

(CHRISTIAN DALE)

1

Related posts

Leave a Comment