Maaari nang magdala ng items sa Pilipinas na walang kaukulang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Dalawang dahilan ang posibleng gamiting : una, for personal use at pangalawa within the allowed quantity lang.
Ito ay maaaring dalhin sa Pilipinas sa pamamagitan ng passenger baggage, balik-bayan boxes o parcels sa pamamagitan ng mail o delivery services.
Gayunman, may paalala na ang items na sumobra sa bilang ay kukumpiskahin o rerematahin na magiging pabor sa gobyerno.
Samantala ang tinutukoy na ‘specified limit’ ay pinapayagan na walang FDA-DOH clearance kinakailangan lamang bayaran ng customs duties.
Ang items na pinapayagan ay kinabibilangan ng mga gamit para sa bata na may 5 kilogramo; laruan, 10 piraso; pabango, 5 piraso; lipstick, 10 piraso; shampoo, 2 kilogramo at lotion, 2 kilogramo.
Ang mga hindi pinapayagan ay bar soap, 2 kilogramo; assorted cosmetics, 1 kilogramo; household hazardous substance, 5 kilogramo; vitamins supplements at iba pang health supplements, 500 kilogramo; processed food, 10 kilogramo at wine/liquor, 2 bote. Boy Anacta
179