MPBL SOUTH DIVISION PLAYOFFS; BASILAN NAKAPAKO SA NO. 3

SINELYUHAN ng Basilan Steel ang third seeding nito sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Southern Division playoffs kasunod ng 89-71-win laban sa Paranaque Partiots noong Biyernes ng gabi sa Marikina Sports Center.

Buhat sa 24-13 count, umatake ang Steel sa second quarter at isinara ang halftime para sa 45-33 lead.
Nang medyo nakakabawi na ang Paranaque sa third quarter, nagtala ang Basilan ng 24-14 scoreline sa fourth period para tuluyang iwanan ang kalaban at isara ang laro sa 12-1 run.

“Ayaw ko kasi yung sa dulo close game pa (I don’t like it that even at the end, it was still a close game),” esplika ni coach Jerson Cabiltes.

Si Gab Dagangon ay nagsumite ng 26 points mula sa 10-of-20 shooting, may five rebounds at two assists para sa Basilan at tinapos ang regular season campaign na may record 20-10. Nasa likuran ang Zamboanga (18-11), Batangas City (17-11) at GenSan (16-12) na maglalabu-labo para sa fourth seed.

Tinapos naman ng Paranaque ang kampanya nito na may 8-22 win-loss record.

Samantala, bagamat ‘out’ na sa playoff contention, tinalo ng Bacolod ang Bulacan, 76-69, upang pigilan ang huli na makuha ang fifth seed sa Northern Division playoffs.

Matapos ang laro, sinabi ni Bacolod coach Vic Ycasiano na kumpiyansa siyang makababawi sa susunod na season ang koponan.

“Maganda naman talaga ang potential ng team na ‘to. It was just built late tapos (then) along the way there were hurdles. But let’s see next season. It was just built late, then along the way, there were hurdles,” lahad ni Ycasiano.

Bunga nito, tuluyan nang nakuha ng Bataan ang fifth seeding sa North standings at haharapan ang fourth-seeded Pampanga sa quarters. (VT ROMANO)

219

Related posts

Leave a Comment