SOUTH KOREAN FILM ‘PARASITE’ MAKES OSCARS HISTORY

NITONG nakaraang Linggo (Lunes ng umaga dito sa atin) ay ginanap ang 92nd Oscars o Academy Awards, ang pinakaprestihiyosong paggawad ng movie awards sa Amerika. Taun-taong itong ginagawa ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS).

Sa 92 years ng Oscar history, ngayon lang nangyari na isang non-English film ay nanalo ng Best Picture award. Ito ay ang South Korean hit na “Parasite,” isang class-struggle thriller.

Matindi ang mga naging kalaban nito, kabilang na ang showbiz epic film ni Quentin Tarantino na “Once Upon a Time … in Hollywood,” ang billion-dollar comic-book film na “Joker” at ang Netflix crime drama ni Martin Scorsese na “The Irishman.”

Pero nilampaso silang lahat ng “Parasite,” directed by Bong Joon-ho. Nang ianunsyo ito, napatayo sa tuwa ang audience sa Dolby Theater. Bago ito, nanalo rin ang pelikula ng awards for Best Director, International Film and Original Screenplay (Bong Joon-ho and Han Jim-won).

TRIVIA: Isingit lang natin dito ang interesting trivia na ito: Sa 92 films na nanalo ng Best Picture award, 66 dito ay nanalo rin ang director. Lima sa mga Best Pictures na ito ang hindi man lang na-nominate ang mga director nila: Wings (1927/28), Grand Hotel (1931/32), Driving Miss Daisy (1989), Argo (2012), at Green Book (2018).

SOUTH KOREAN PRIDE

Balik tayo sa “Parasite”…

Ang makasaysayang pagkapanalo ng “Parasite” ay magandang balita sa bansang South Korea. Sabi ng isang South Korean newspaper: “The South Korean movie industry became 100 years old last year, and this is a momentous event that makes South Koreans proud.”

Parang pinatunayan din ng Hollywood na hindi lang “white stories told by white filmmakers” ang kinikilala nila. $35.5 million ang kinita ng pelikula sa North American box office mula nang i-release ito noong October 2019. Ang global ticket sales nito ay nasa $165 million.

Nang tanggapin ni Bong ang screenwriting Oscar with Han Jin Won, sinabi niya na “We never write to represent our countries.”

NO ACTING NOMINATIONS

Ang comedy-thriller na “Parasite” ay patok worldwide. Dahil na rin siguro sa tema nito na “mga mahihirap ay nautakan ang maykaya” (Kims vs Parks) – pero may twist sa huli.

Kasama sa cast ang isa sa mga paboritong aktor ni Bong na si Song Kang Ho na gumanap bilang mahirap na tatay.

Pero wala ni isa sa cast members nito ang nominado sa acting awards. Nagbalik tuloy ang kritisismo sa Academy na lagi nitong inisnab ang Asian actors. Nangyari na ito sa “Slumdog Millionaire” ng India na nanalo ng Oscars Best Picture award, pero wala ni isang acting nomination.

‘1917’

Inakala ng marami na ang Best Picture award ay mapupunta sa war drama na “1917.” Bago kasi ang Oscar Awards, ang “1917” ang may pinakamaraming nakuhang awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies, kasama na ang Golden Globe (Best Drama Picture), at top prizes mula sa dalawang major industry guilds, ang Producers Guild of America at ang Directors Guild of America.

Ganito rin ang nangyari sa “La La Land” three years ago, nang manalo ito ng maraming awards sa tatlong groups na ito, pero hindi naiuwi ang Oscar Best Picture award. Natalo ito ng “Moonlight.”

PREVIOUS AWARDS

Pero bago ang Oscards, marami na rin naiuwing awards ang “Parasite,” kasama na ang prestihiyosong Palme d’Or award sa Cannes Film Festival noong May 2019.

Panalo rin ito sa Golden Globe Awards bilang  Best Foreign Film. Panalo ito ng Original Screenplay sa Writers Guild Awards.

At napanalunan din nito ang best-ensemble prize sa Screen Actors Guild Awards — ang kauna-unahang pagkakataon na ibinigay nila ang top award na ito sa isang foreign-language film.

Binigyan din ang buong cast ng standing ovation sa naturang awards ceremony

“We never expected all this,” sabi ni Bong noon.

BONG’S IDOLS 

Sa kanyang speech sa pagtanggap ng Best Director award, binigyan niya ng tribute si Martin Scorsese. Kwento niya, noong bata pa raw siya, “I carved deep into my heart a quote by Scorsese: The most personal is the most creative.”

Pinasalamatan din niya si Quentin Tarantino for championing his work: “Quentin, I love you,” sabi niya.

Nang umaakyat sila sa stage para sa Best Picture award, binigay ni Bong ang mike sa producers ng pelikula nila na sina Kwak Sin-ae at Miky Lee. Sabi ni Kwak, ramdam niya na “a very opportune moment in history is happening right now.”

Si Lee naman ay nagbigay-pugay kay Bong, pinuri ang kanyang “crazy hair, the way he talks, the way he walks … and especially the way he directs”.

Pinasalamatan din nila ang Korean moviegoing people “for never hesitating to give us straightforward opinions that made us never about to be complacent, and to keep pushing the envelope.”

TAYO KAYA, KAILAN?

Ang “Slumdog Millionaire” ng India at ngayon, ang “Parasite” mula sa South Korea ay dalawa lang sa mga Asian films na nag-hit sa buong mundo, both critically and at the box office.

Mula pa noong panahon ni Lino Brocka at ngayon, si Brillante Mendoza, marami na ring Filipino films ang napapansin sa buong mundo.

Kailan kaya tayo magkakaroon ng kahit man lang nomination bilang Best Foreign Film sa Oscars?

Wish ko, sana ay sa lifetime natin, no?

Libre naman ang mangarap

162

Related posts

Leave a Comment