3M METRIC TONS NAIPASOK SA UNANG TAON – SOLON RICE IMPORTERS NAGPIYESTA SA TARIFF LAW

NAGPISTA ang mga rice importer sa unang taon ng implementasyon ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law matapos umabot sa 3 million metric tons ang kanilang inangkat na bigas sa ibang bansa.

Ito ang napag-alaman kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kasabay ng kanilang kilos protesta laban sa bansa na nagpabagsak aniya sa mga magsasakang Pinoy.

Ayon sa mambabatas, noong 2017, 6.56% umano sa total supply ng bigas sa bansa ang inangkat ng mga rice importer at tumaas ito ng 13.83% noong 2018 subalit mas lumala noong 2019 dahil umabot na ito sa 20%.

“The estimated 3 million metric tons of imported rice for 2019 could compose more than 20% of the total supply,” ayon kay Casilao at hindi pa kasama aniya rito ang mga smuggled rice.

Sinabi naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na mula nang mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas noong Pebrero 14, 2019 ay tumaas sa 160% ang import clearance na inisyu ng Bureau of Plant Industry (BPI).

Ito ay matapos umabot sa 4,513 import clearance ang inilabas ng BPI noong 2019 mula sa 1,705 lamang umano noong 2018.

Dahil dito, hindi na nagtaka ang mambabatas na bumagsak ang kabuhayan ng mga magsasaka sa bansa matapos baratin ng mga rice trader ang kanilang mga aning palay.

“The surge in rice import clearances alone indicate that rice importation has been a very lucrative area for businesses. If anything, the law appears to be Duterte’s sweetheart deal for rice importers,” ayon kay Brosas.

Dahil dito, sinabi ni Casilao na dapat manindigan ang mamamayang Filipino para protektahan ang mga lokal na magsasaka dahil tanging ang mga rice importer at rice smugglers ang ang nabubuhay ngayon sa industriya ng bigas.

“The Filipino people should unite to hold the regime accountable for destroying food security and consolidating a chain of exploitation and oppression by big traders and foreign monopoly,” panawagan naman ni Casilao. BERNARD TAGUINOD

188

Related posts

Leave a Comment