WALANG NAMATAY SA TRASLACION

TRASLACION by OMAY GORECHO-2

(Ni FRANCIS ATALIA)

WALANG namatay at mapayapa sa kabuuan ang Traslacion ngayong taon ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa isang press briefing kaninang madaling araw, sinabi NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, na isang insidente lamang ng pandurukot ang naitala na agad din namang naaresto ang suspek.

Hanggang sa makabalik ang imahe ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church ay wala nang iba pang insidente na naitala.

Tinatayang nasa 4 milyong deboto naman ang nakilahok sa mga aktibidad mula December 31 hanggang sa matapos ang Traslacion.

Binigyang pugay naman ni Eleazar ang 7,200 pulis na ipinakalat para sa seguridad ng mga deboto dahil sa naging tagumpay ng Pista ng Nazareno.

Samantala, nilinaw niya na ang crowd estimate ng PNP at Simbahan ay posibleng hindi magkatugma.

Kaya naman sa susunod na taon ay bubuo anya ang PNP ng technical working group para mas maging maayos ang pagtaya sa bilang ng mga deboto. (Photo by: OMAY GORECHO)

221

Related posts

Leave a Comment