ARTA, BOC NAGSANIB PUWERSA KORAPSYON LALABANAN

KINILALA ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Jeremiah Belgica ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero  dahil sa pagsisikap ng nasabing ahensiya na masawata ang katiwalian sa kanyang nasasakupan.
Ginawa ni Belgica ang pagkilala sa pagbisita nito sa BOC nitong nakalipas na ika-26 ng Pebrero kasabay nang pagsasabi na mahusay ang ginagawa nitong pagtupad sa panuntunan ng ARTA kabilang ang paggawa ng citizens charter handbook.
Pinuri rin ng ARTA chief  ang pagsisikap  ni Guerrero na mapadali ang ‘frontline processes, automated systems at implemention  zero-contact policy’ bilang pagsunod sa itinutulak ng ARTA na mabawasan kung hindi man mawala ang red tape at mapabilis ang proseso sa gobyerno.
 “You are a beacon of light to the BOC” ayon kay Belgica sa kanyang pagkilala kay  Guerrero sa mensahe ng pasasalamat sa magandang pagtanggap sa delegasyon ng ARTA nang dumalaw sa BOC.
    Inihayag pa ni DG Belgica, ang kahalagahan ng inter-agency cooperation sa pagtupad ng totoong pagbabago.
   Sinabi ni Belgica, hindi bahagi ng  top 5 agencies na tinututukan ng ARTA dahil sa patuloy na pagsisikap ng kasalukuyang BOC administration na mapabuti ang kanilang serbisyo sa lahat ng kanilang stakeholders at partners.
    “The BOC has been a great partner not only by the ARTA but also in the reforms that our President has been really pushing for,” dagdag pa ni Belgica.
    Kamakailan, ang bureau ay nag-isyu ng  memorandum kaugnay sa pagtupad sa  ARTA Memorandum Circular No. 2020-02 na nag-aatas sa mga tanggapan ng BOC na magsagawa at magsumite bago dumating ang Marso 2, 2020 ng inventory ng lahat ng pending simple, complex at highly-technical transactions mula   ika-14 ng Pebrero
ngayong taon.
Nakasaan sa memorandum na ang hindi pag aksyon sa itinakdang oras ng proseso batay sa na-update Citizen’s Charter at pag-isyu/pag-release ng aplikasyon o request ay authomatically approved o automatically extended.
    Nagpasalamat naman si BOC Commissioner Guerrero kay DG Belgica at sa ARTA sa kanilang pagbisita at pagtuon sa mas mabuting koordinasyon para sa higit pang pagpapaganda ng serbisyo at kalakalan.
     “Rest assured that the BOC will work closely with ARTA in achieving effective and lasting reforms,” ayon kay Guerrero. JOEL AMONGO
159

Related posts

Leave a Comment