JEEP, TAXI OOBLIGAHING MAGLAGAY NG DASHCAM

NAIS ng isang mambabatas na maglagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS) ang mga pampublikong sasakyan.

Layunin ng House Bill 3341 na inihain ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera, ang panukala na obligahin ang mga public utility vehicle (PUVs) at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng GRAB na maglagay ng dashboard cameras, CCTV at GPS bilang pagtugon sa standard safety equipment para mapangalagaan ang riding public.

Ayon sa mambabatas, maraming insidente at krimen ang kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng pagnanakaw, kidnapping, rape, sexual assault, harassment at murder.

Naniniwala ang kongresista na sa paglalagay ng mga safety equipment ay magagarantiya ang kaligtasan ng mga mananakay gayundin ang mga pedestrian at motorista.

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special loaning program kung saan maaaring pautangin ang mga public transport operator at companies para makabili ng mga nabanggit na safety device. CESAR BARQUILLA

 

178

Related posts

Leave a Comment