END NG ‘ENDO’ ABOT-KAMAY NA

NALALAPIT na ang katapusan ng end of contract o Endo scheme sa bansa matapos aprubahan sa House committee on Labor and Employment ang panukalang itigil na ang kontraktuwalisasyon.

Walang kumontra nang ipasa sa nasabing komite na pinamumunuan ni PBA party-list Rep. Enrico Pineda ang nasabing panukala na inakda ng ilang mambabatas sa Kamara.

“It has not been long since its veto last July 2019 but lawmakers, labor leaders, and business group representatives have rallied together to make sure the millions of Filipino workers will no longer have to fear Endo,” ani TUCP party-list Rep. Raymund Mendoza.

Nakatakda na itong isalang sa plenaryo ng Kamara para sa ikalawa at ikatlong pagbasa kung saan umaasa ang mga mambabatas na hindi na ito muling ibe-veto ng Pangulo.

Unang nakalusot ang nasabing panukala noong nakaraang Kongreso subalit vineto ito ni Duterte at nagpagawa ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng katanggap-tanggap na bersyon.

Sinabi naman ni ACT party-list Rep. France Castro na umaasa ito na sa pagkakataong ito ay tutuparin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na ititigil na ang kontraktuwalisasyon sa bansa. BERNARD TAGUINOD

 

417

Related posts

Leave a Comment