PDU30: MANGGAGAWA, HUWAG TANGGALIN

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng pribadong kumpanya na walang tatanggaling manggagawa sa panahon ng isang buwang implementasyon ng “enhanced community quarantine” sa buong Luzon dulot ng pandemyang novel coronavirus 2019 o COVID – 19.

Ang utos ni Duterte ay nakasaad sa inilabas niyang gabay hinggil sa “basic do’s and dont’s” ng pamahalaan sa panahong bawal lumabas ng bahay ang mamamayan maliban kung napakahalaga ng dahilan sa paglabas, banggit ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles.

Ani Nograles, dapat magkaroon ang mga kumpanya ng kanilang plano upang magampanan ng mga manggagawa o empleyado ang kani-kanilang trabaho nang hindi kailangang magpunta sa kumpanya o opisina hanggang Abril 12.

Aniya, ang mga manggagawa ay hindi kailangang obligahing pumasok sa trabaho o magpakita sa kumpanya o opisina sa panahong araw-araw ay nadadagdagan ang bilang ng mga biktikma ng COVID-19, maliban na lang kung ang mga manggagawa ay “engaged in basic necessities or services” tulad ng produksiyon ng pagkain at gamot.

Ayon sa gabay ng pamahalaan, ang mga bukas sa panahon ng enhanced community quarantine ay “public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, hospitals, medical clinics, pharmacies and drug stores, food preparation and delivery services, water-refilling stations, manufacturing and processing plants of basic food products and medicines, banks, money transfer services, power, energy, water and telecommunications supplies and facilities.”

Inulit din ni Nograles ang panawagan ni Duterte sa mga negosyante na gawan ng paraan na hindi mawawalan ng pera ang kani-kanilang mga empleyado tulad ng pagbibigay ng 13th month pay.

Tiniyak din ng Malakanyang na magbibigay ang administrasyon ng “social amelioration packages” na manggagaling sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga manggagawang maaapektuhan ng tigil-trabaho. NELSON S. BADILLA

412

Related posts

Leave a Comment