UNTI-UNTING nabubunyag ang ilang iregularidad sa Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ibunyag ni dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay Jr na may isang private printing company na illegal umanong gumagawa ng electronic passports para sa ahensiya kahit na ginagawa na ng ibang kompanya ang proyekto.
Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Yasay ang illegalidad sa harap ng pagtakas umano ng mga gumagawa ng passport sa DFA tangay ang lahat ng data records ng publiko. Ito umano ay makaraang tapusin na ang kanilang kontrata sa pagitan ng ahensiya.
Ayon pa kay Yasay, noong August 1, 2006, pumasok umano sa kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang DFA para sa centralized production ng machine-readable electronic passports (MREPs) para tumupad sa itinakda ng Internatonal Civil Aviation Organization (ICAO).
Isang bidding umano ang naganap kung saan ibinigay ng BSP ang pangunahing bahagi ng proyekto sa Francois-Charles Oberthur Fiduciare (FCOF).
Gayunman, hindi umano sakto sa itinakdang panuntunan ng ICAO ang pasaporteng ginawa ng FCOF kaya muling ipinagkatiwala ng DFA ang produksiyon ng bagong e-passport system sa PO Production Unit Inc. (APUI).
140