TINANGGAP at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR, Region III at iba pang itinuturing na high-risk areas.
Sa kalatas na binasa ni Presidential spokesperson Harry Roque, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), araw ng Huwebes, Abril 23, ay manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Region III, Region IV-A at sa lahat ng high-risk areas hanggang Mayo 15.
Ang mga lalawigan na kinukonsiderang Provinces high-risk ay sa Region III kabilang na ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga. High-risk provinces sa Region IV-A ang Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon. Oriental Mindoro at Occidental Mindoro comprise high-risk provinces sa Region IV-B habang ang Albay at Catanduanes ay nabibilang naman sa high-risk provinces sa Region V. Benguet sa CAR, Pangasinan sa Region I, Tarlac at Zambales sa Region III ay maaaring mabago sa Abril 30.
Sa Visayas, kinonsidera ng IAFT ang Antique, Iloilo, Cebu at Cebu City na high-risk, ang lahat ay ‘subject to recheck’, ang Aklan at Capiz, ay kapwa subject naman sa ECQ.
Sa Mindanao, ang Davao del Norte at Davao City ay kinukonsiderang high-risk, habang ang Davao de Oro ay subject naman sa ECQ at subject sa recheck.
Ang mga High-risk areas ay sasailalim sa ECQ hanggang Mayo 15, ‘subject for further evaluation’ ang mga ito.
Ang mga Moderate-risk areas ay isasailalim naman sa general community quarantine hanggang Mayo 15, at ‘subject for further evaluation’.
Ang mga Low-risk areas ay bumagsak sa ilalim ng general community quarantine hanggang Mayo 15, at kung wala naman aniyang paglala, ang GCQ ay mare-relax at magiging daan tungo sa normalization.
Bukod dito, inirekomenda rin ng IATF ang minimum health standard na ipatutupad simula sa Abril 27.
Ang Department of Health, Department of Transportation, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maghahanda ng alituntunin sa Abril 25.
Ang mga lugar na kamakailan lamang ay isinailalim sa ECQ subalit nananatili sa ilalim ng GCQ ay pinapayagan ang mga manggagawa na lumabas at maghanapbuhay base sa sitwasyon.
Ang mga kabataan, senior citizen at high health risk ay mananatili sa kanilang tahanan.
Para naman sa GCQ areas, limitado ang mall opening na ang cover ay non-leisure shops. Mayroon aniyang mandatory temperature check, mandatory na pagsusuot ng masks at mandatory na paggamit ng alcohol.
Limitadong bilang lamang ng tao partikukar na ang edad ay sa pagitan ng 21 hanggang 59, na may ID at hindi mukhang sakitin ang papayagan na makapasok sa mall.
Ang mga ‘priority and essential construction projects’ ay papayagan nang mag-resume, subject sa minimum health standards, physical distancing, at barracks para sa mga manggagawa.
Papayagan na ang mga Public transport modes na mag-operate at mabawasan ang kapasidad.
Ipatutupad naman ng Local government units (LGUs) ang curfew sa gabi para sa mga non-worker.
Ang desisyon sa ECQ at GCQ ay base sa panganib ng outbreak.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ay muling isasailalim sa evaluation kung ang desisyon ay mare-relax simula sa Mayo 16, 2020. CHRISTIAN DALE
