MAG-ASAWANG NALUNOD  SA MALDIVES DADALHIN SA SRI LANKA

honey

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalhin muna sa Sri Lanka ang mga labi ng mag asawang overseas Filipino worker  (OFW) na namatay makaraang malunod sa Maldives.
Ayon sa DFA  idadaan muna sa Sri Lanka ang  bangkay ng mag asawa upang embalsamuhin, bago ito iuwi sa Pilipinas.
Sinabi ng Philippine Embassy sa Dhaka, ang mga labi nina Leomer Lagradilla at asawa nitong si Erika Joyce ay ililipad sakay ng Sri Lankan Airlines flight patungo ng Colombo, Sri Lanka Miyerkoles ng alas-12:50  na Manila time.
Una nang tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na sasagutin ng kanilang ahensya ang gastusin sa pag uuwi ng bangkay ng mag asawa.

Sinabi pa ni Locsin sa oras na matapos ang pag embalsamo sa mga labi ng mag asawa ay agad na dadalhin ang mga  ito sa Pilipinas.

Magugunitang nauwi sa trahedya ang masaya sanang honeymoon ng bagong kasal  matapos silang malunod habang nag snorkel sa isang resort sa Dhiffushi Island sa Maldives noong Enero 13.
Nagtatrabaho ang isa sa Singapore at ang isa naman ay sa Riyadh, Saudi Arabia at 10 na silang magkasintahan hanggang sa magpakasal noong Disyembre nakaraang taon.

167

Related posts

Leave a Comment