Habang inoobliga ang nasa pribadong sektor GOV’T WORKERS NGANGA SA MASS TESTING

PUMIYOK ang Malakanyang na hindi sasagutin ng pamahalaan ang magiging gastos para sa mass testing sa COVID-19 ng mga empleyado ng gobyerno sa gitna ng pagluwag ng quarantine measures at pagpayag na magbalik-trabaho ang mga ito.

May mga naglutangan kasing panawagan na magsagawa ng mass testing para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Taliwas naman ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kailangan ng mga manggagawa na sumailalim sa COVID-19 test bago payagan na bumalik sa kanilang trabaho maliban na lamang kapag nagpakita ang mga ito ng sintomas ng COVID-19.

“In an ideal world, dapat lahat ng tao, ma-test [for COVID-19]. Pero ang RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) testing laboratories natin ay 30 pa lang. Eh dapat, di bababa sa 90. Nagkakaubusan din ng rapid test kits,” ayon kay Sec. Roque.

“Alam ko ito for a fact. Sa China, hindi na rin sila naglalabas ng rapid test kits kasi sa Wuhan, 11 million ang gusto nilang i-test. Ang US naman po, binibili lahat ng test kits na available. Kaya pahirapan po talaga kaya po private sector na ang bahala bumili para sa mga empleyado,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, isinusulong ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na gawing prayoridad sa mass testing para sa COVID-19 ang mga empleyado.

Ito anila ay para mas marami nang makabalik na empleyado sa kani-kanilang trabaho.

Ayon kay Sergio Ortis-Luis, presidente ng ECOP, marami pa rin kasing kumpanya ang nagdadalawang-isip na magbukas dahil sa takot sa banta ng COVID-19.

Ani Luis, mass testing ang makapagbibigay ng kapanatagan sa mga kumpanya maging sa mga empleyado para unti-unting makabalik sa normal ang kabuhayan ng mga ito at ang takbo ng operasyon ng maraming negosyo sa bansa.

Sinabi naman ni Presidential adviser Joey Concepcion na kailangan na i-COVID-19 test ang mga empleyado dahil “it is the only way you can open the economy without the fear of resurgence of the COVID-19 virus.”

Sa ilalim naman ng Department of Health’s (DOH) protocol, ang COVID-19 test ay para lamang sa mga symptomatic na tao. CHRISTIAN DALE

173

Related posts

Leave a Comment