160 PSG MEN, NAGPOSITIBO SA COVID TEST

NANANATILING protektado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa banta ng COVID-19 kahit pa nagpositibo ang 160 sa mga tauhan ng Presidential Security Group na nagbibigay-seguridad sa kanya.

Tiniyak ni PSG Commander Col. Jesus P. Durante III PA, na bagamat may PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay siniguro nitong matagal nang gumaling ang isang nagpositibo sa sakit.

“No detailed close-in security personnel of PRRD tests positive for COVID-19,” ani Durante.

Wala rin aniyang exposure si Pangulong Duterte sa PSG member lalo pa’t hindi naman ito detailed bilang close-in security.

Sinabi pa ni Durante na mahigpit na sinusunod ng PSG ang systematic procedure alinsunod sa guidelines na itinakda ng DOH at IATF-EID para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang PSG troopers at ang pamilya nito ay sumasailalim sa COVID-19 rapid testing kada 2 linggo upang ma-detect ang virus.

Nabatid na 160 PSG personnel ang nagpositibo nang sumailalim sa rapid testing simula pa noong Marso at awtomatikong sumailalim sa quarantine sa loob ng dalawang linggo na malayo sa Malacanang residence ni Pangulong Duterte. CHRISTIAN DALE

131

Related posts

Leave a Comment