(NI TERESA TAVARES)
PINAGALITAN ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. matapos ito magkomento sa timing umano ng kanyang arraignment sa kinakaharap na P900-million Malampaya fund scam.
Sinabihan ni Tang si Andaya at iba pang akusado na nahaharap sa mga kaso sa Sandiganbayan na walang kinikilingan ang korte sa paghawak sa mga kaso.
Magugunita na sa panayam sa televisyon kay Andaya, mistulang tinuya nito ang korte ng sabihin na ang ganda ng timing ng itinakdang pagbasa ng sakdal sa kanya sa 97 na bilang mg kasong graft at malversation kung kelan anya nasa gitna siya ng kontrobersiya.
Agad naman humingi ng paumanhin si Andaya at tiniyak kay Tang na magiging maingat na siya sa pananalita.
Tinangap naman ni Tang ang paumanhin ni Andaya.
Gayunman iginiit ng presiding justice na hindi kailanman maaapektuhan ang korte sa mga external factor gaya ng pulitika.
Maari aniyang hindi sang-ayon ang ilan sa inilalabas na resolusyon ng korte ngunit sa ilalim ng batas may mga remedyo naman na maaring gawin kung hindi punabor ss kanila ang naging desisyon/resolusyon ng korte.
147