OPISYAL nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa general community quarantine ang Metro Manila mula June 1 hanggang June 15.
Ito’y matapos niyang aprubahan ang panukala ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases na ipatupad ang GCQ sa National Capital Region (NCR) — na itinuturing ngayon na “high-to-moderate-risk area”.
Ang iba pang lugar at rehiyon na isinailalim naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa GCQ:
– NCR
– Davao City
– Pangasinan
– Albay
– Region II
– Region III
– Region IV-A
Halos lahat naman ng industriya maliban sa leisure and amusement services ay papayagan na mag-operate sa mga GCQ area subalit depende sa levels based ng guidelines ng inter-agency task force.
Ang iba pang lugar sa bansa ay isinailalim naman sa modified GCQ, na one step closer sa “new normal” o full lifting ng community quarantine protocols.
Sa ngayon ay hindi pa binanggit ni Pangulong Duterte kung ano ang magiging uri ng quarantine na ipatutupad sa Cebu City.
Sa kabilang dako, ang lahat naman na identified bilang high-risk barangays sa loob ng NCR ay subjected sa “zoning concept” na ipatutupad ng National Task Force on COVID-19. CHRISTIAN DALE
