PNP, AFP TOP OFFICERS HAHARAPIN NI PDU30

NAKATAKDANG makipagkita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa top officials ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagkamatay ng apat na sundalo sa kamay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.

Hindi naman nagbigay ng petsa at eksaktong lokasyon si Interior Secretary Eduardo Año sa napipintong pulong ni Pangulong Duterte sa PNP at AFP commanders.
Ang dahilan ng Kalihim, “for security reason”.

Maaari rin aniyang makipag-usap si Pangulong Duterte sa kapulisan na sangkot sa fatal shooting ng mga sundalo.
“It’s coming very, very soon,” ayon kay Sec. Año.

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na labis na ikinalungkot ng Pangulo ang nasabing insidente na aniya ay ‘subject’ ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. (CHRISTIAN DALE)

112

Related posts

Leave a Comment