GUIDELINES SA MOTORSIKLO PINALILINAW SA IATF

KAILANGANG klaruhin agad ng gobyerno at isipin ang kaligtasan ng mga gumagamit ng motorsiklo bago ang lahat.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, maaaring delikado ang makeshift shield na requirement ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga nagba-backride sa motor kung saan pwede umanong matanggal o mawalan ng balanse ang gagamit nito.

“Ngayong nananatiling limitado ang public transportation, maraming pamilya ang gumagamit ng motor para makabiyahe. We should focus on enforcing proven safety measures like wearing face masks, gloves and helmets,” aniya.

Dapat din aniyang linawin ang magkakasalungat na direktiba sa documentary proof na kailangang ipakita sa mga checkpoint kung saan ang ID o authorization mula sa barangay ay dapat na tanggapin ng mga awtoridad.

“Let’s help the commuting public by giving them sound options. Let’s help them, not burden them with poorly- planned policies,” dagdag pa ng militanteng mambabatas. (NOEL ABUEL)

128

Related posts

Leave a Comment