PAGBABAYAD NG PHILHEALTH SA MGA OSPITAL, TATALAKAYIN

PAG-UUSAPAN na nina National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez at PhilHealth President retired general Ricardo Morales ang usapin hinggil sa diumano’y kabiguan ng PhilHealth na makapagbayad sa mga ospital.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng katiyakang may mapupuntahang pagamutan ang mamamayan sa gitna ng nararanasang pandemya.

Sinabi pa ni Sec. Roque, dapat lang na matiyak sa mga ospital na sila’y nababayaran para masiguro rin na may sapat na pondo silang magagamit para makatugon sa demand bunsod ng mga pasyenteng dinadala ngayon sa iba’t ibang pagamutan.

Giit ni Sec. Roque na mapanatili ang tiwala ng mga pagamutan sa PhilHealth na hindi dapat maapektuhan ang kanilang operasyon.

Matatandaang, nagpahayag ang Philippine Hospitals Association of the Philippines o PHAP na may mga pagamutan nang napilitang mag-emergency loan dahil sa kakapusan ng pondo dahil hindi pa rin nila nakukuha sa PhilHealth ang kanilang claim sa ahensiya. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment