INHAYAG ni Senador Senador Sherwin “Win” Gatchalian na habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus 2019 (COVID-19), dapat walang tigil ang paghahatid ng tulong sa mga mahigpit na nangangailangan, particular sa Cebu City na ikinokonsiderang epicenter ng sakit sa bansa.
Sinabi ni Gatchalian, nagbigay ang kanyang pamilya ng mahigit P2 milyong halaga ng daily basic needs at commodities sa pamahalaang lungsod ng Cebu.
Tinanggap ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang donasyon na kinabibilangan ng 600 sako ng bigas, 20,000 assorted canned goods, 50,000 packs ng noodles, at 100,000 piraso ng surgical masks.
Kasama ni Gatchalian ang ceremonial turnover ng donasyon sina Cebu City ABC President Franklyn Ong at Region 7 PNP Regional Director Albert Ignatius Ferro sa Cebu City Hall open grounds.
Sinabi ni Gatchalian, bahagi ang donasyon ng humanitarian mission ng pamilya Gatchalian na magbigay sa higit na nangangailangan na komunidad.
Hindi pa kasali rito ang naunang tulong ng pamilya sa Barangay Lahug sa Cebu, dalawang buwan ang nakalipas.
Mahigit isang milyong halaga ng food packs, bottled water, sako-sakong bigas, assorted canned goods, at medical supplies para sa frontliners at mamamayan ang kanilang ibinigay.
“We’re far from flattening the curve. Containment measures seem to be not enough. But we also cannot be less stringent in managing the outbreak,” giit ni Gatchalian.
Umabot na sa mahigit 56,000 ang bilang ngmga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes ng hapon.
Sa Cebu City lamang, mayroong 7, 246 kumpirmadong kaso ng COVID-19, na mayroong 3, 6605 recoveries at 356 ang namatay nitong Hulyo 11.
“While the government continues to strive in providing help to where it’s needed most, the private sector’s contribution in the fight against COVID-19 could keep our countrymen away from hunger and illness,” ayon kay Gatchalian.
“Makaaasa ang taumbayan na patuloy kaming tutulong, sa abot ng aming makakaya, sa kahit saanmang sulok ng Pilipinas. Kaisa kami sa laban na ito,” giit pa niya. (ESTONG REYES)
144
