7K MANGINGISDA MAWAWALAN NG KAYOD

manila

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ)

AABOT  sa 7,000 mangingisda ang mawawalan ng hanapbuhay sa sandaling simulan na ang Manila Bay Reclamation projects, hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kundi sa Bacoor Cavite.

Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, hindi nila tinututulan ang Manila Bay Rehabilitation subalit kontra ang mga ito sa reclamation dahil magugutom ang pamilya ng may 7,000 mangingisda sa nasabing karagatan.

Sinabi ng mambabatas na kapag natuloy ang reclamation project ay tiyak na masisira ang fishing ground ng mga maliliit na mangingisda sa 194-kilometrong coastline mula Cavite hanggang Bataan.

“The project will displace at least 7,000 fisherfolk and urban poor families and the conversion into a commercial and industrial hub will destroy the productive fishing grounds which are sources of livelihood to many sectors,” ani Casilao.

Sa Cavite pa lamamg aniya ay aabot sa 320 ektarya ng karagatan ang ire-reclaim ng Bacoor Reclamation and Development Project at karagdang 100 ektarya naman na isasagawa naman umano ng  Diamond Reclamation and Development Project sa municipal water ng Bacoor.

Dahil dito, labis ang pangamba umano ng mga mangingisda na anumang araw ay mawawala na ang mga ito ng hanapbuhay lalo na kapag sinimulan na ang nasabing proyekto.

“DENR should prepare itself for the all-out opposition of marginalized sectors and environmental advocates, and unraveling of their grand scheme to use the rehabilitation of Manila Bay as entry point to an free-for-all reclamation activities by big companies and developers,” ayon kay Casilao.

Nilinaw ng mambabtas na suportado ng mga mangingisda at environmental group ang Manila Bay Rehilitation at pagpapatigil sa operasyon ng mga commericial at industrial establishment na nagtatapon ng toxic at chemial waste sa karagatan.

Gayunman, hindi sang-ayon ang mga ito sa reclamation projects dahil tatanggalan ng hanapbuhay ang mga maliliit na mangingisda na umaasa lang sa kanilang ikinabubuhay sa Manila Bay.

268

Related posts

Leave a Comment